CEBU – ALINSUNOD sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na paunlarin ang mga serbisyong pampamahalaan at matiyak na ang bawat Pilipino ay may agarang akses sa tulong sa oras ng pangangailangan, pinangunahan ni Kalihim ng DILG Juanito Victor “Jonvic” C. Remulla ang opisyal na paglulunsad ng Unified 911 Emergency Hotline System sa Central Visayas nitong Sabado sa PLDT Jones sa lalawigang ito.