Pinangunahan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla ang pormal na pagbubukas ng Unified 911 Command Center sa Cebu City. Ang command center ay pinangangasiwaan ng Bureau of Fire Protection (BFP), kung saan 20 well-trained personnel ng ahensya ang sasagot sa mga pumapasok na tawag sa pamamagitan ng pag-dial ng 911.
Hindi na rin magiging problema ang language barrier dahil ang mga sasagot sa tawag ay marunong makaintindi at magsalita sa lokal na diyalekto.