Operational na ang unang 911 Regional Command Center sa Visayas na matatagpuan sa Cebu City. Pinangunahan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla ang paglulunsad nito noong Sabado, October 25. Nagbabala naman si Sec. Remulla laban sa mga nagtatangkang gumawa ng prank calls.