Pormal nang inilunsad ng DILG ang Unified 911 emergency hotline, katuwang ang PLDT. Iisang numero na ang tatawagan para sa lahat ng emergency response sa bansa, kabilang ang PNP, BFP, BJMP at mga LGU. Ayon sa DILG, 24/7 ang serbisyo, 5 minuto lang ang target na response time.