Posted on Jun 04, 2026
Pormal na inilunsad ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang apat na bagong Unified 911 Satellite Command Centers sa Luzon at Visayas bilang bahagi ng pagpapalakas ng sistema ng pagtugon sa mga emergency sa bansa.
Isinagawa ang ceremonial launch sa Leganes Fire Station sa Leganes, Iloilo nitong Hunyo 4, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na paigtingin ang crisis management at magtayo ng mas episyenteng localized emergency response systems sa iba’t ibang rehiyon