NGA911

UNIFIED 911 SYSTEM, ILULUNSAD SA SETYEMBRE 11

Posted in NGA911PH, NGA911PH-Events on Sep 23, 2025

Inihayag ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na magiging aktibo na sa buong bansa ang iisang 911 emergency hotline simula Setyembre 11, kapalit ng mahigit 30 magkakaibang lokal na numero.

Layon nitong pabilisin at pag-isahin ang pagtugon sa mga tawag para sa pulisya, bumbero, medikal, at sakuna. Libre at bukas 24/7 ang serbisyo, at maaaring makipag-usap sa iba’t ibang wika gaya ng Tagalog, Cebuano, Ilocano, Waray, at Tausug. Target ng sistema ang limang minutong tugon sa bawat tawag.